CDC is a federal public health agency under the U.S. Department of Health and Human Services. Mga Pantayin ng Formaldehyde sa mga binibigay na trailer ng FEMA Mga pangunang natuklasan ng mga Sentro para sa Pagpipigil at Paghahadlang ng Karamdaman (Centri per il controllo e la prevenzione delle malattie) Layon Ang mga impormasyon na nakasaad sa flyer na ito ay nagbabalita sa mga natuklasan ng mga taong nanaliksik sa kanilang katatapos na pagsusuri ng hanging panloob sa mga travel trailer at ibinibigay na mobile home ng Ahensya ng Federal Emergency Management (FEMA) sa inyong komunidad. Makakapagbigay rin ito ng kaalaman para maprotektahan ang inyong kalusugan at makatutulong sa inyong paghahanap ng permanenteng tirahan. Karanasan: Noong Disyembre 2007 at ngayong Enero 2008, ang Sentro para sa Pagpipigil at Paghahadlang ng Karamdaman (CDC) ay nagsuri para mapag-alaman ang mga pantayin ng formaldehyde sa hanging panloob sa mga travel trailer at ibinibigay na mobile home ng Ahensya ng Federal Emergency Management (FEMA). Na-analisa ng CDC sa mga datos mula sa mga pagsusuri at may mga natuklasan pinsalang naidudulot sa kalusugan ng mga nakatira sa mga bininibigay na mga mobile home at trailer ng FEMA. Ito ang mga pangunang pagkatuklas at ito’y hindi ang pangwakas. Ano ang napag-alaman ng CDC? • Sa karamihan ng mga trailer, mobile home at mga park model na sinuri, ang mga pantayin ng formaldehyde ay matataas. Ang pantayin ng formaldehyde ay higit na mas mataas kaysa sa karaniwang hanging panloob sa mga tirahan sa Amerika. • Ang katamtamang pantayin ng formaldehyde sa lahat ng mga travel trailer at mobile home ay may angkop na 77 na sangkap o bahagi sa bawa’t libong angaw (ppb). Ang paghinga ng ganitong kataas na pantayin ng formaldehyde sa kurso ng mahabang panahon ay makaaaapekto sa kalusugan. • Maaaring mas mataas ang pantayin ng formaldehyde sa mga makabagong trailer at mobile home, habang mainit ang panahon. • Nagkakaiba ang pantayin ng formaldehyde sa mobile home, park home, at mga travel trailer, ngunit napag-alaman na sa lahat ng klaseng trailer at mobile home na sinusuri, may mga ilan na may mataas na pantayin ng formaldehyde. Formaldehyde Levels in FEMA-Supplied Trailers, Early Findings from the CDC (NW) - Tagalog CDC is a federal public health agency under the U.S. Department of Health and Human Services. Ano ang dapat gawin? • Ang mga pamilyang nakatira sa mga travel trailer at mga mobile home ay pinagpapayuhang higit na magpalipas ng oras sa labas para makalanghap ng sariwang hangin. Ito ay kinakailangan lalo na ang mga pamilyang may kasamang bata, matatanda, o miyembrong may mahirap ng lunasan na sakit tulad ng hika. • Parating buksan ang mga bintana para pumasok ang sariwang hangin. • Kung maaari ay panatilihing mababa ang temperatura sa loob ng travel trailer at mga mobile home. • Huwag manigarilyo lalo na kung nasa loob ng bahay. • Kumunsulta sa isang doktor o bihasa sa medikal kung may iba-pang nararamdaman sa kalusugan. Saan ako makahihingi ng tulong? Para sa mga katanungan tungkol sa karamdaman, maaaring tumawag sa numerong CDC 1-800-CDC-INFO (1-800-232-4636) Para sa kaalaman tungkol sa mga mapagpipilian ng tirahan, maaaring tumawag sa FEMA sa numerong 1-866-562-2381, o TTY 1-800-462-7585 Formaldehyde Levels in FEMA-Supplied Trailers, Early Findings from the CDC (NW) - Tagalog