Q. Ano ang mga sintomas ng impeksyon ng West Nile virus
(WNV)?
A. Ang impeksyon ng WNV ay maaaring walang mga palatandaan
(walang mga sintomas), o maaaring humantong sa Lagnat
ng West Nile o malubhang sakit ng WNV.
Tinatantiya na mga 20% ng mga tao na naimpeksyon ng WNV
ay magkakaroon ng Lagnat ng West Nile. Kabilang sa mga
sintomas ang lagnat, sakit ng ulo, pagkahapo, at pananakit
ng katawan, paminsan-minsan ay butlig-butlig sa balat (sa
puno ng katawan) at namamagang lymph glands. Habang ang
sakit ay maaaring tumagal ng ilang araw lamang, kahit na
ang malulusog na tao ay nag-ulat na nagkasakit sa maraming
linggo.
Sa mga sintomas ng malubhang sakit (tinatawag ding sakit
na sumasalakay sa nerbiyos o “neuroinvasive disease”,
tulad ng West Nile encephalitis o meningitis o West
Nile poliomyelitis) ay kabilang ang sakit ng ulo, mataas na
lagnat, paninigas ng leeg, pagkatuliro, pagkawala ng pang-unawa,
pagkawala ng malay, panginginig, kombulsyon, panghihina
ng kalamnan, at pagkalumpo. Tinatantiya na humigit-kumulang
na 1 sa 150 taong naimpeksyon ng WNV ay magkakaroon ng
malubhang sakit. Ang seryosong sakit ay puwedeng mangyari
sa mga tao anuman ang edad; gayunman, ang mga taong higit
sa 50 taong gulang at ilang taong mahina ang sistema ng
paglaban sa sakit (halimbawa, mga pasyente ng pagpapalit
ng bahagi ng katawan) ay nasa pinakamalaking panganib na
magkaroon ng malubhang sakit kapag naimpeksyon ng WNV.
Karamihan sa mga tao (mga 4 mula sa 5) na naimpeksyon ng
WNV ay hindi magkakaroon ng kahit anong mga sintomas (isang
impeksyon na walang sintomas); gayunman, hindi mo malalaman
nang maaga kung magkakasakit ka o hindi kapag naimpeksyon.
Q. Ano ang panahon ng inkubasyon sa mga tao (i.e., panahon
mula sa impeksyon hanggang sa paglabas ng mga sintomas
ng sakit) para sa sakit ng WNV?
A. Karaniwan ay 2 hanggang 14 araw.
Q. Hanggang kailan tumatagal ang mga sintomas?
A. Ang mga sintomas ng Lagnat ng West Nile ay pangkaraniwang
tumatagal ng ilang araw, bagaman may ilang malulusog na
tao na nag-uulat na ang kanilang sakit ay tumatagal ng
maraming linggo. Ang mga sintomas ng malubhang sakit (encephalitis
o meningitis) ay maaaring tumagal ng maraming linggo, at
ang ilang mga epekto sa nerbiyos ay maaaring maging permanente.
Q. Ano ang kahulugan ng West Nile encephalitis,
West Nile meningitis, West Nile poliomyelitis, “sakit na sumasalakay
sa nerbiyos”, at Lagnat ng West Nile?
A. Ang pinakamalubhang uri ng sakit ng isang taong
naimpeksyon ng WNV kung minsan ay tinatawag na “sakit na sumasalakay
sa nerbiyos” dahil ito ay nakakaapekto sa sistema
ng nerbiyos ng tao. Kabilang sa mga uri ng sakit na sumasalakay
sa nerbiyos: West Nile encephalitis, West Nile meningitis,
West Nile meningoencephalitis at West Nile poliomyelitis.
Ang encephalitis ay pamamaga ng utak, ang meningitis ay
isang pamamaga ng lamad sa paligid ng utak at gulugod,
ang meningoencephalitis ay pamamaga ng utak at ng lamad
sa paligid nito, at ang poliomyelitis ay pamamaga ng gulugod.
Ang Lagnat ng West Nile ay isang uri ng karamdaman na puwedeng
mangyari sa mga taong naimpeksyon ng virus. Ito ay binubuo
ng lagnat, sakit ng ulo, pagkahapo, pananakit at kung minsan
ay singaw o butlig-butlig sa balat. Bagaman ang sakit ay
maaaring tumagal ng ilang araw lamang, kahit na ang malulusog
na tao ay nagkasakit sa maraming linggo.
Q. Kung ako ay may Lagnat ng West Nile, ito ba ay maaaring
maging West Nile encephalitis?
A. Kapag may naimpeksyon ng West Nile virus (WNV) ang mga
ito ay pangkaraniwang nagkakaroon ng isa sa tatlong bunga:
Walang sintomas (malamang), Lagnat ng West Nile (sa mga
20% ng mga tao) o malubhang sakit ng WNV, tulad ng meningitis
o encephalitis (kulang sa 1% ng mga naimpeksyon). Kung
nagkaroon ka ng mataas na lagnat na may matinding sakit
ng ulo, sumangguni sa iyong tagapagkaloob ng pangangalagang
pangkalusugan.
Ang Lagnat ng West Nile ay binubuo ng mga sintomas na tulad
ng lagnat, pananakit ng katawan, sakit ng ulo at kung minsan
ay namamagang lumph glands at singaw o butlig-butlig sa
balat. Ang Lagnat ng West Nile [masyadong marami nang pagpapaikli]
ay pangkaraniwang tumatagal ng ilang araw lamang, bagaman
sa ilang kaso ang mga sintomas ay iniulat na mas nagtagal,
umabot ng maraming linggo. Ang Lagnat ng West Nile ay anyong
hindi nagiging sanhi ng mga permanenteng epekto sa kalusugan.
Walang tiyak na paggamot para sa impeksyon ng WNV. Ang
mga taong may Lagnat ng West Nile ay kusang gumagaling,
bagaman ang mga sintomas ay puwedeng maalis sa pamamagitan
ng iba-ibang paggamot (tulad ng gamot sa sakit ng ulo at
pananakit ng katawan, atbp.).
May mga tao na maaaring magkaroon ng saglit, mala-Lagnat
ng West Nile na sakit (maagang sintomas) bago sila magkaroon
ng malubhang sakit ng WNV (sakit na sumasalakay sa nerbiyos),
bagaman ang persiyento ng mga pasyente na nangyayari ito
ay hindi alam.
Paminsan-minsan, ang isang naimpeksyong tao ay maaaring
magkaroon ng malubhang sakit tulad ng “West Nile
encephalitis,” “West Nile meningitis” o “West
Nile meningoencephalitis.” Ang encephalitis ay pamamaga
ng utak, ang meningitis ay isang pamamaga ng lamad sa paligid
ng utak at gulugod, ang meningoencephalitis ay pamamaga
ng utak at ng lamad sa paligid nito. Bagaman walang kailangang
paggamot sa impeksyon ng WNV, ang taong may malubhang sakit
ay madalas na kailangang ipaospital. Ang pangangalaga ay
maaaring ang pagbibigay ng likido sa pamamagitan ng mga
ugat (IV fluids), suporta sa paghinga, at pagpigil ng mga
sekundaryong impeksyon.
|