Upang mag-aplay para sa DISASTER ASSISTANCE (TULONG SA KAPAHAMAKAN) Tumawag sa FEMA nang libre mula 8 ng umaga hanggang 8 ng gabi; pitong araw bawat linggo 1-800-621-FEMA (3362) TTY 1-800-462-7585 o magrehistro sa Internet sa www.fema.gov ONLINE INDIVIDUAL ASSISTANCE CENTER Maaaring kwalipikado ka para sa disaster assistance kung ikaw ay may-ari ng isang tahanan, umuupa, o may-ari ng negosyo na naapektohan ng mga grabeng storm, bahâ, landslide at mudslide noong ika-2-11 ng Nobyembre 2006 Para sa pansamantalang tulong ng FEMA sa pamamahay at mga grant para sa mga gastos sa publikong transportasyon, mga medikal at dental na gastos, at mga gastos sa punerarya at libing, ang mga tao ay hindi kinakailangang mag-aplay para sa isang SBA loan. Gayunman, dapat isumite ng mga aplikanteng nakakuha ng mga aplikasyon sa SBA loan ang mga aplikasyon na ito sa mga opisyal ng SBA loan upang maging kwalipikado para sa tulong na sumasakop sa personal na pag-aari, pagpapaayos o pagpalit ng sasakyan, at mga gastos sa paglipat at storage. Ang tulong upang makaahon sa kapahamakan ay makukuha ng walang pagtatangkilik sa lahi, kulay, kasarian, relihiyon, bansang pinanggalingan, edad, kapansanan, katayuan sa pananalapi o paghihiganti. Kung ikaw o ang ibang taong kilala mo ay nakaranas ng diskriminasyon, dapat mong tawagan ang FEMA nang libre sa 1-800-621-FEMA (3362) o tawagan ang iyong State Office of Equal Rights (Tanggapan ng Estado para sa Pare-Parehong Karapatan). Kung inususpetsa mo na may anumang abuso sa mga programa ng FEMA, mangyaring tawagan ang hotline para sa pandaraya sa 1-800-323-8603.